Hush

Masasayang himig ng tawanan ng mga bata ang umaalingawngaw sa parke habang hinihintay ni Jay ang pagdating ng kanyang bestfriend na si Edward. Mag-lilimang minuto na siyang naghihintay, may lakad kasi ang dalawa at bibili ng mga gamit para sa kanilang school project sa kabilang bayan. 


Nakaupo siya sa isang bahagi ng mga plantboxes kung saan nakatirik ang isang matandang puno ng akasya at sa kanyang harapan ay may mga batang naglalaro ng habulan at masayang nagtatawanan. Kinse anyos na ngayon si jay at nasa huling taon sa hayskul, maputi, medyo may pagka-tsinito, may pagka-maamo ang mukha at nasa 5’5 na ang taas pero marahil dahil sa nakasanayang ugali na pagyuko habang naglalakad o habang nakikipag-usap ay di gaanong kapansin-pansin ang binata. May itsura naman ito ngunit sadyang mailap ito sa mga tao at piling pili lamang ang mga kaibigan nito. 

Napako ang tingin ng binata sa mga batang naglalaro sa may parkeng kanya ring naging langit nang mga panahong siya ay musmos pa lamang. Makulimlim at tila may nagbabadyang unos nang hapon na iyon. Napatingin si Jay sa kanyang relo. Sampung minuto na ang lumipas at wala pa din ang kaibigan. Tumingin ito sa malayo sa pag-asang mabanaag ang kaibigan. Ngunit wala pa din ito.
Tumunog ang kanyang telepono at nang kanya itong tingnan ay may mensahe mula sa kanyang kaibigan.

“bok, pasensya na wala pa ako. May biglang iniutos kasi si tatay. Medyo matatagalan. Dadating ako maya-maya.”

Napabuntong-hininga na lamang ang binata dahil maghihintay pa ito ng ilang minuto sa may parke. Wala naman itong magagawa kaya’t minabuti na lamang nitong sumagot sa kaibigan na maghihintay ito.

“sige bok, hintayin na lang kita dito sa may Plasa”

Malamig ang bawat halik ng hangin sa kanyang pisngi. Nakukumutan kasi ang araw ng mga makakapal na ulap.

Tila, naglalaro ang mga pagkakataon na para bang may pilit itong ipinapaalala na isang tagpo na nangyari na dati. Ang malamig na ihip ng hangin, naglalaglagang mga dahon sa puno ng akasya at ang masasayang mga halakhakan ng mga naglalarong musmos sa kanyang paligid.
Isa lang yong pangkaraniwang hapon… 

…katulad lang ng isang pangkaraniwang hapong pitong taon na ang nakaraan. 

Siya ay magwawalong taong gulang pa lamang noon. Katatapos lamang ng klase at tulad ng ibang bata nang mga panahong yon ay diretso agad ito sa parke para maglaro ng habulan, taguan, tumbang preso o kung anumang larong kalyeng mapagtripang laruin.

Mabait at palakaibigan naman siyang bata kaya madami siyang mga kaibigan. Kahit sino payat, mataba, malinis, gusgusin, apat na taong gulang o kahit labing pitong taong gulang ay nakikipaglaro ito. Likas kasi itong palakaibigan, bibo at may katabaan ng kaunti kaya’t madami ang nacute-an dito at madalas ay kurot at gigil ang inaabot nito lalo na sa mga batang mas matanda sa kanya.

Nang hapon na yon ay naisipan ng grupo na maglaro ng taguan. Anim sila sa grupo, siya at ang mga kaedad niyang sina Mae, Ann, Mac, Rachelle at si Wilson. 

“ako na taya…”

Magsisimula na sana sila nang biglang may binatang nagprisintang siya na daw ang taya, si Luis, kinse anyos na binata. Wala daw siyang magawa at naiinip sa kakatambay kaya’t naisipang makipaglaro. Agad pumayag naman ang grupo kasi walang may gustong maging taya, kawawa maging taya dahil siguradong aabutin siya ng gabi sa dami ng puwedeng pagtaguan.

Sa kabila ng ingay ng mga tawanan, mababanaag sa kanyang mata ang isang kakaibang lamlam. Nagpatuloy ang pagbalik ng mga alaala na kahit anong pilit na iwaksi ay tila pilit itong sumisiksik sa kanyang kamalayan.

…Pagbilang kong sampu nakatago na kayo… isa… dalawa.. tatlo… apat… lima… anim… pito…” 

Nagpulasan ang anim at kanya kanya nang tago sa bawat sulok at lugar na kanilang maisip. Ibang-iba pa noon ang bayang kanyang kinalakhan. Madami pang bakanteng lote at mga lumang bahay na parang wala nang pag-asang mababalikan. 

“…walo… siyam… sampu… ready? Game!”

May nagtago sa may siwang at ang iba ay sa mga itaas ng puno. Samantalang si jay naman ay naisipang magtago sa isang lumang tindahan na may kalayuan sa iba pa. nakatirik ito sa isang bakanteng lote na nasa isang sulok na nakagitna sa dalawang malaking lumang bahay. Pagpasok niya sa loob ng bakanteng lumang tindahan ay sinipat nito kaagad kung saan magtatago. Tanging mga ilaw mula sa mga butas at siwang ng kahoy ng istruktura ang nagsisilbing liwanag sa loob. 

Tamang tama dito” ang nasambit nito.

Lumipas ang ilang sandali ay may narinig itong mga papalapit na mga yabag. Nagtago ito sa sulok ng lumang papag sa loob ng tindahan at pilit iniimpit ang tawa dahil sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman nito.

Bumukas ng kaunti ang pinto at nabanaag nitong malapit na si Luis sa kanya. Humanda ito sa pagtakbo sakaling mahuli na ang kanyang pinagtataguan.

Hindi gumagalaw ang binata sa kanyang kinatatayuan at dahan-dahang isinara ang pinto. May nabanaag itong isang misteryosong ngisi mula sa labi ng binatang kalaro… 

Papalapit… Papalapit… 

Ilang hakbang na lang ang layo ng binata sa pinagtataguan ng bata. Nang aakma nang tatakbo si Jay ay biglang nahuli ito ng binata. Hawak hawak ang braso ng musmos ay bigla nitong iginawi ito sa may papag na nasa isang sulok. Tawa ng tawa ang bata sa pag-aakalang bahagi pa din iyon ng kanilang simpleng laro.

Naramdaman na lang nito ang sakit ng mahigpit na hawak ng binata. Nasasaktan na ito kaya umaaksyon na itong ayaw nito ang nangyayari.

Nagpupumiglas ang bata ngunit di kinaya ng maliit nitong katawan ang pwersa ng binata. Hawak hawak na nito ang dalawang kamay ng bata at naihiga na din nito sa lumang papag. Nakadagan na ito sa bata sa isang posisyong lalong nagpahirap para makakalas ang musmos.

 Di mawari ng bata ang gagawin at pilit itinatanong

kuya ano ginagawa mo? Uwi na po ako!” mangiyak-ngiyak na sumamo nito sa binata.

Pero wala, tila bingi ang kausap at sa halip ay tinakpan nito ang bibig ng bata. Patuloy na nagpumiglas ang bata ngunit anong laban ba naman nito sa binatang doble ang laki na nakadagan sa kanya.

Umaagos na ang luha sa mga mata nito dala ng takot at kalituhan sa mga susunod na mangyayari. Naramdaman na lang nito ang kamay ng binata sa loob ng kanyang shorts. At naramdaman na lang nito ang pagdampi ng isang matigas na bagay na di nito mawari kung ano.

Impit ng kamay ng binata ang bawat panaghoy ng musmos. Wala itong magawa kundi kumislot sa ilalim ng binata. Parang bawat sandali ay impyerno. Di ito makahinga ng mabuti, di ito makagalaw, di ito makahingi ng saklolo at tanging kanyang mga luha ang makapagsasabing di nito gusto ang nangyayari. Malabo na mga sumunod na nangyari. Nabaon na nang limot ang mga detalye ng pangyayari. Tila, di nakayanan ng kanyang pang-unawa at pinahid ng kanyang isip ang mga detalye na parang isang larawang kinupas ng panahon. Gayunman di nito nagawang mawala ang masamang pakiramdam dulot ng karanasan.

 wag kang magsusumbong. Yari ka sakin pag may nakaalam nito. Naiintindihan mo?” pagbabanta ng binata. 

Tango lang ang naisagot nito sa takot. Lumabas si Luis na parang walang bahid na may ginawa itong masama.

Dagliang sumunod si Jay sa lumang tindahan, umiiyak pa din. Di alam kung ano, bakit at para saan ba talaga ang lahat ng nangyari.

“Jay, oh anong nangyari sayo? Umiiyak ka ba?” ang sambit ng isang boses mula sa tabi nito.

Parang bumalik sa huwisyo si Jay, at ngayon lang niya namalayan na basang basa na pala ng luha ang kanyang mga mata. Nagtataka at nag-aalalang mga mata ang bumati sa kanya mula sa kaibigang kanina pa nito hinihintay.

Nagsimulang, pumatak ang ulang kanina pa nagbabadya. Patakbong sumilong ang dalawang magkaibigan sa malapit na waiting shed. Ang lamlam ng langit ay sing-lamlam din ng kanyang mga mata na marahil ay dulot ng mga alaalang kanyang pilit kinalimutan sa kanyang kamusmusan.

Share this:

ABOUT THE AUTHOR

A man who never doubted the sun's intentions.

0 comments:

Post a Comment