Pasko: Ikatlong Yugto




Nang bigla na lang siya umiyak…

Di ko alam ang gagawin ko kapag umiiyak siya. Para akong matataranta sa kaiisip ng gagawin para lang mapatahan lang siya.

“Bakit? May masakit ba sayo?” pag-aalala ko sa kanya.

“Namiss kita ng sobra at mahal na mahal kita!”

Di kona din mapigilan ang umiyak, dala ng saya ng nararamdaman ko. Miss na miss ko na kasi siya dahil sa ilang linggo naming pagkakawalay sa isa’t-isa.

Sa gabing yon pakiramdam ko ay wala na akong ibang mamahalin pa sa buong buhay ko ng ganun. Bawat yapos, haplos at halik na aming pinadama sa bawat isa ay tanda ng pagmamahalan namin.

Dzzzt! Dzzzt!

“Bunso, Kagabi pa kami tumatawag sayo ah, di k aba uuwi ngayong Pasko? Tumawag ka agad pag nabasa mo to… Nag-aalala sina mamang at tatang sayo… Merry Christmas!”

Pananakit ng katawan at sakit ng ulo ang nangibabaw sa aking katawan. Pilit kong kinapa ang aking tabi para malaman ang isang malungkot na hinala… pangingilid ng luha sa mata tanda ng isang katotohanang sumigaw sa aking pagmumukha…

Tumambad sa aking gunita ang katotohanang isa lamang panaginip ang lahat. Katha ng aking isipang tanging laman ay ang mga alaala ng isang pag-iibigang nawala.

Ang biyahe..ang tawanan… ang pagniniig… ang pagmamahal mo ulit sa akin…

Lahat ay di kasama sakasalukuyang realidad ng aking buhay.

Ang kwarto at kamang pinagsasaluhan nating dalawa ay napalitan ng…

… eksena ng isang taong nag-iisa sa kwarto at nakahiga sa kama na inaapoy ng lagnat magdamag.

Wala na pala tayo…


Share this:

ABOUT THE AUTHOR

A man who never doubted the sun's intentions.

1 comments: